Monday, December 10, 2012

How to spend money wisely? Paano nga bah?

What are some of the practical ways to handle your money wisely?

Sa ating pang-araw araw na pamumuhay tayo ay gumagastos gaya ng pagkain, pamasahe, load at marami pang iba, syempre hindi mawawala yung mga luho natin. Pero ang tananong, nakakapag ipon or invest pa ba tayo para sa future natin?

Isa sa pinaka common sa mga tao is yung Pagiging "One day millionaire" kung tawagin which is not good at hindi practical. Ito yung tipong bibili ka, or gagastos ka ng hindi pinag-isipan maige, tuloy kinabukasan butas na yung bulsa mo at wala ka ng panggastos sa mga susunod pang araw na darating. The question is : Makakabuti kaya ito in the long run kung hindi natin aalisin yung habit na ito? of course hindi so that's why i'm here to share some basic tips on how to handle your money wisely.


Tips on how to save and spend your money wisely.

1. Habang bata magipon - Turuan natin mag save ang mga bata habang maaga, becuse in the future sila din ang mag-bebenefit dito. Teach them wisely. Mas adviseable na bigyan sila ng Alkansya or Piggy Bank, and motivate them to save their own money. Kahit sa mga pa 5 pesos lang sa isang araw or 10 pesos sa mga bawat araw na natitira sa baon nilang cash from their allowances for School, it's ok as long as they are learning to  save money at the early age then its good. As for their Parents motivate them to save, save, and save, not to spend "too much".

2. Don't spend / buy unnecessary things - Kung tayo po ay bibili or gagastos, pagisipan muna natin maige kung dapat nga ba, para hindi po tayo manghinayang bandang huli. Halimbawa nalang meron kang nakitang napakagandang item sa mall,naatract ka, nasilaw ka at binili mo agad dahil lang sa nagandahan ka then after that nagsisi ka bakit mo ito binili dahil meron ka pa palang mas importanteng dapat bilhin kaso nagkulang na ang budget mo because you buy another item which is not necessary. The point is sometimes we forget to think pag dating sa pagbili at paggastos which is unpractical at nakakalimutan nating isa-alang alang yung mga bagay na mas "importante".

3. Hindi porke't uso bili - Mostly ganito, pag may uso or may mga latest na nirelease na gadgets , damit , appliances etc.. bibilhin agad. aminin man natin o hindi madami pong ganito sa atin, kahit ako po ganito rin dati pero nabago ko pa, kasi i've realized na hindi lahat ng uso ay totally maapreciate ko parin kahit matagal na, and the result - pagsisisihan ko kung bakit binili ko ito agad which is meron pa palang mas maganda pa rito..agree? Ang point ko po dito, is if we want to buy something just make sure na as in "gustong gusto mo" yung item na iyon, para in the long run worth it yung money mo at hindi ka pa nagsisi at higit sa lahat ay walang nasayang. So again think, think, think before you buy something.

4. Iwasan ang Bisyo at Sugal - Ok lang naman ang mag lotto at tumaya, pero wag po nating itong gawing habit na to the point ay kailangan pang ipangutang para lang merong maipang-sugal,tandaan na wag po tayo ubos biyaya. Kung kayo naman po ay yung tipong madaling ma-adik sa sugal the best way is iwasan nalang ito, at makakapag-save ka pa ng pera para sa mas makabuluhang bagay. Iwasan din ang paninigarilyo dahil maaari itong magdulot ng complications in the long run at ang resulta mapapagastos ka lang ng malaki sa medical expenses mo which is sana inipon mo nalang yung mga ipinangbili mo ng yosi o alak at makakatulong pa sa magandang paraan at ikaw din mismo ang mgbebenefit dito.

5. Laging isa-alang alang ang "Basic needs" Prioritize your expenses- Kung kayo ay may sapat na budget o pera, lagi nating unahin ang mga pangaraw-araw na pangangailangan, hindi ang luho at mga materyal na bagay. Sometimes kasi mas nauuha pa nating bilhin yung mga halimbawa- mga gadgets na gusto natin at nakakalimutan natin bumili ng mga mas importanteng bagay gaya ng pagkain, kung minsan may mga tao na makabili lang ng gustong gadget nakakalimutan na meron pa palang bills na kailangang bayaran. The point here is you should know how to prioritize your expenses and be practical all the time.

So there it is, some simple ways to use our money wisely in a practical way. Ngayong Christmas season madami nanamang temptations na nakaabang para mapagastos ang mga tao, so i hope na makatulong itong blog na ito sa karamihan ng sa gayon ay hindi tayo magwoworry in the future. Lagi lang isa-alang alang ang pagiging practical hindi lamang po sa pera kundi sa lahat ng bagay.

Always remember : Think, Prioritize, Be Practical all the time.

Merry Christmas to all!!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
To Get to know more about Carla Please Add her On Facebook : https://www.facebook.com/kharlotametal 


Are you looking for a Part - Time job to earn extra income Online?

Visit  this website and Message Carla on facebook if interested :http://carlapopmusic.swaultimate.com

The above blog post is brought to you by Carla Cuneta, who enjoys helping people to earn extra income on the internet. For more information, please visit http://www.viloria.net/swa-pinoy/swa-tmv2.shtml?carlapopmusic


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


WANT TO MAKE MONEY ONLINE AS EASY AS 1,2,3?

FREE REGISTRATION

ALL YOU NEED IS : EMAIL , PAYPAL OR ALERTPAY ACCOUNT AND INTERNET CONNECTION

REGISTER HERE: 
  



No comments:

Post a Comment